Monday, February 23, 2015

Yellow Bell


Hello :) Sa wakas nahanap ko na din yang flower na yan. Nahirapan kasi ako sa paghahanap diyan eh. Buti na lang naisipan kong gumala sa tita ko, kaya iyon nakita ko siya doon sa may daan. Isa na lang pala at tapos na ako sa blog ko na ito at doon naman kami sa may photo portfolio. Anyway, isa sa pinakamagandang bulakalak

Tuesday, February 17, 2015


Hi :) Sorry kung ngayon lang ulit ako nakapag-post. Naging busy kasi ako nung mga nakaraang linggo. May pinapractice kasi kami na performance. Anyway, yang flower na yan ay kinuhanan ko sa may orion. Sa bahay ng amo namin sa orion, pumunta kasi kami doon ni papa. Hapon na yun, sinundo ako ni papa. Ang ginawa talaga namin dun ay maghatid lang ng itlog. Ilalagay kasi yun sa may incubator. Dati na sa amin yung incubator ngayon dinala na sa orion kaya hinahatid pa namin yung mga yun

Thursday, February 5, 2015

Yellow Bell"s Junior


Hello Good Morning. Eto na yung last post ko dito kasi ngayon na yung deadline ng pagpapakita namin ng blog namin. Pero kahit ganoon, kapag may time ako ipagpapatuloy ko ito. So, iyan flower na yan napakaliit lang. Akala ko nga hindi na lilinaw yan kapag ginamitan ko ng camera ko. Napakaaga pa nun, nung kinuhanan ko siya. Sa school ko lang yan kinuhanan, sa may gilid ng math park namin. Dapat talaga ang kukuhanan ko ay yung nasa sa science park, pero bawal daw pumasok dun. Pagkatapos napansin ni Ched (kasabay ko pumasok) yang bulaklak na yan sa gilid ng math park. Pagkatapos sabi ko hindi ko makukuhanana yan, dahil baka hindi kayanin ng camera ko. Marami nga akong shot dyan sa bulaklak na yan. Dahil gusto ko na malinaw talaga yung ipopost ko sa blog ko. At matapos ang maraming picture, iyan ang napili ko. Iyan kasi yung may pinakamalinaw. Nangawit nga ako dyan dahil ang tagal kong nakaluhod habang kinukuhanan siya eh. Pero okay lang yun para maganda ang maipost ko dito. Hehe. Anyway, yang flower na yan ay parang junior ng yellow bell kasi parang bell din siya. Pero ang pinagkaiba lang nila malaki ang liit nito kaysa sa normal na yellow bell. So, sana nagustuhan niyo ang last na ipopost ko. Thank you!!!!

Monday, February 2, 2015

1.., 2.., 3.., 4.., 5 big petals of a little flower


Hi everyone ito na yung last na ipopPst ngayong araw. Bukas naman ulit yung iba pa =). Sana magustuhan niyo ito !!!

So, nakikita niyo naman sa picture ng bulaklak na bagong kadidilig lang niya. Kinuhanan ko siya sa may harap ng Filipino Department ng school ng namin. Maliit na bulaklak lang siya. Pagkatapos ay payat yung mga sanga ng halaman niya ( hindi ko alam kung ano tawag dun sa pinakagalamay ng halaman eh, hehe ).Kung makikita niyo sa may extra na namang insekto sa gitna ng bulaklak. At i'm sure na langgam na talaga yung nasa gitna nung bulaklak. Patay na nga yata yung langgam eh. Kasi tignan niyo may tubig sa gitna ng bulaklak kaya talagang mamamatay siya. Haha. Hindi naman ako ganoon kasama nuh?. Nagsasabi lang ako ng totoo. Actually, kani-kanina ko lang siya kinuhanan. Lumabas kasi kami ng bestfriend ko na si Alyssa nanguha din kasi siya sa may canteen na malapit sa Filipino Department namin. Kaya iyon sumabay na din ako para makuhanan yang halaman na yan. Kaninang recess yan dinilig, nakita ko kanina eh. Nalanta nga yung ibang bulaklak ng halaman niya eh. Di ata kasi kinaya yung pagtama ng tubig sa kanila. Haha. At siya lang natirang matibay. Actually, matagal ko nang nakikita yang flower na yan kapag pupunta ako ng canteen. Pero ngayon ko lang naisipan na kuhanan siya. Hindi ko alam kung bakit ganoon eh! Hehe. Sorry! Para sa akin, yang flower na yan ay pasok sa TOP 3 na pinakamagandang bulaklak at pinakamagandang kuha ko. Haha. Kasi yung iba medyo malabo at hindi masyadong malinaw. Pero don't worry nag-promise ako na papalitan ko yung mga panget kong kuha kapag nakuha ko na yung bago kong camera. So, sana nagustuhan niyo yung mga  pinost ko ngayong araw na ito. Tomorrow may mga bago ulit akong ipopost na bulaklak para makikita niyo. Thanks :-)

Flower Under the Sun


Good Morning :) Okay malapit nang matapos yung pagpopost ko dito sa blog na ito. Kasi hanggang 30 posts lang ang sinabi sa amin. Itong blog ko kasi ay ginawa ko para sa specialization ko na Media Arts. Pero may isa pa akong blog na patuloy pa rin akong magpopost :)

Anyway, yang bulaklak na nasa picture ay kinuhanan ko kaninangnakitang, nung pauwi na akos sa gilid ng math park. Halos yung iba kong picture ng bulaklak ay kuha sa math park ng school namin. Marami kasi doon na nakatanim na bulaklak. At magaganda pa ang mga nakatanim dito kaya naeen-ganyo akong kuhanan sila.! Yang bulaklak na yan ay kahapon ko lang nakita, nung pauwi na ako. Actually, nakikita ko yang halaman na yan sa gilid ng office namin. Pero nahihiya akong kuhanan siya doon, dahil maraming tao na dumaraan doon. Alam niyo naman ako may pagkamahiyaan. Pero nung nakita ko siya sa gilid ng math center, doon ko na lang siya kuhanan para hindi na ako mahiya doon sa office. Medyo silaw yung right side niya, dahil nabibilad siya sa araw nung nakita ko. Tinakpan ko na lang para hindi siya masyadong maliwanag kapag kinuhanan ko. Pero hindi ko nagawa dahil may silaw pa rin yung right side niya. Pero ayos lang yun atleast hindi siya buong maliwanag. Kung titignan niyo ulit siya, at izozoom niyo , may makikita kayong insekto. Hindi ko lang malaman kung langgan ba siya o maliit na bubuyog. Pero parang langgam talaga siya. Ang kulay ng flower na yan ay violet, kita niyo naman di ba? Hehehe :) Hindi ko alam yung pangalan ng bulaklak na yan. Sorry, kung kadalasan hindi ko kilala yung mga bulaklak na pinopost ko. Hindi po kasi ako masyadong familiar sa mga bulaklak na yan. So, sana nagustuhan niyo po yung pinost ko ngayon ! :)

Sunday, February 1, 2015

My Super Little Flower


Hi guys! This is my second post for this day! Sa ngayon, hindi ko pa alam yung pangalan ng bulaklak na yan. Pero don't worry, aalamin ko mamaya. Hehe, sorry! Anyway, yung pinaka-halaman ng bulaklak na yan ay matinik. Actually, yung mga dahon niyang maliliit yung may mga tinik. Kapag natusok ka niyan ay sobrang masakit. Parang cactus yung dahon ng bulaklak na yan. Nung natinik ako niyan, nasaktan talaga ako. Kaya talagang nag-ingat ako nung kinuhanan ko siya kasi baka matinik na naman ako. Kinuhanan ko siya pagkatapos ko kuhanan yung bulaklak ng talong. Tinitignan na nga ako nung mga tambay sa amin. Nagtataka siguro kung ano ginagawa ko. Haha. Hindi kasi nila alam na kinukuhana ko yan ng picture. Pasensya na nga pala yung picture dahil medyo malabo. Nahihirapan talaga kasi ako makakuha ng picture sa camera ko. Papalitan ko na lang siya kapag dumating na yung bago kong camera. Sa ngayon, kung maaari pagtiyagaan niyo muna. Anyway, back sa bulaklak, Kung makikita niyo mayroon lang siyang limang petals at mayroong kulay yellow sa gitna niya. Medyo mahirap siyang pitasin sa pinakahalaman niya dahil nga matinik. Madaling matanggal yung petals ng bulaklak na yan. Kaya kung kukuhanin mo siya. Ingatan mo kasi natatanggal agad siya. Iyan muna sa ngayon. Tomorrow, magpapakita ulit ako ng panibagong mga picture ng bulaklak =)

Eggplant"s Flower
















Good Morning! Yang flower na yan ay bulaklak ng eggplant. Kinuhanan ko siya sa likod ng bahay namin kahapon. Maliit lang siyang bulaklak na kulay violet, kakulay ng eggplant o talong sa tagalog. Ang halaman niya ay hindi naman kalakihan. Marami kaming tanim na talong sa likod ng bahay namin. Nakita ko lang yung bulaklak niya nung nanguha ako ng sako sa likod ng bahay namin. Mangangahoy kasi kami kaya pinakuha ako ng sako. Nung nakita ko na siya, naisip ko na i-post din siya sa blog ko. Kaya pagkatapos namin mangahoy ay bumalik ako sa likod ng bahay namin at kinuhanan na siya. Nahirapan nga akong kuhanan siya kasi magkakadikit yung mga tanim namin na ganyan. Sumiksik na lang ako para makuhanan ko siya. Marami rin akong kinuhanan na bulaklak niya sa iba't ibang halaman. Anyway, dahil sa may tanim nga kaming ganyan. Kapag  wala kaming ulam ay iyan na lang ang niluluto ni mama. Masarap naman ang tanim naming talong. Kung gusto niyong matikman ay pumunta na lang kayo sa amin. Hehehe. Hindi lang naman iyan ang tanim namin. Mayroon din kaiming kalabasa. May bulaklak din ang kalabasa. At kinakain din ito. Pero wala pa kasing bulaklak yung kalabasa namin kaya sa susunod ko na lang ipapakita. So, iyan muna sa ngayon. Sana nagustuhan niyo!

Thursday, January 29, 2015

Pretty White-Pink Lily

















So, iyang picture ng flower na ay ang "White and Pink Lily". Sa ERC ko ulit siya kinuhanan at kaninang recess din. Apat yung bunga niya, yung tatlo nakabuka na pero yung isa nakatiklop pa. Ang ganda niyang bulaklak di ba? Medyo malabo lang kasi yung kuha ko sa kanya kaya hindi masyadong malinaw. Pasensya na! Kasi nahihirapan pa kasi ako sa camera ko eh. So, kung izo-zoom niyo pa siya ng maigi makikita niyo yung pinakagitna niya na pinakamagandang part niya para sa akin. Makikita niyo din sa flower na yan na may mga lines na papasok sa gitna niya. Meron ding parang nakatiklop na maliit na flower sa gitna niya. Napanuod niyo na ba sa tv yung bulaklak ng myra? Kamukha niya di ba, pero ang kulay nung nasa tv ay kulay orange. Pero magkamukha pa rin siya. So, iyan muna ulit sa araw na ito. Next week, magpapakita ulit ako ng mas magagandang picture ng flower para sa inyo. Sana nagustuhan niyo yung mga na-share kong flower sa inyo ngayong linggo :-)

Bell flower


It's still morning so good morning =)

That flower is called Bell Flower. Kinuhanan ko siya sa may harap ng Extensive Reading Center (ERC) ng school namin. Kinuhanan ko siya nung recess namin. Kaya siya tinawag na "bell flower" kasi mukha siyang bell. Mayroon siyang limang pink petals at ang katawan niya ay parang "bell" nga. Sorry kung may bulok na bell flower na nasama sa may upper left side ng picture. Nakayuko kasi yan eh, kaya medyo kailangan ko pang yumuko para makuhanan kaya hindi ko nakita na nasama yung bulok. Medyo mas lumalaki ng mas malaki ang halaman na yan kaysa sa ibang halaman. Ayon sa classmate ko, mabahao daw siya. Pero sabi ko hindi naman kasi wala naman akong naamoy na kakaiba sa kanya. Babaho lang siya kapag pinatas mo siya sa pinakahalaman niya. May kamukha pa siyang isang bulaklak, kaso lang iyon ay kulay yellow. Nasa isip ko na kanina yung name eh, kaso nakalimutan ko kaya iisipin ko muna.! =)

Fresh White Summer Flower



 Hi! Ang next kong ipinost na flower ay yang nasa picture. Maliit ulit na bulaklak siya noh? Nakita ko lang kasi kanina yan sa Bonifacio Building pagkatapos ko pumunta sa comfort room. Wala pa nga masyadong tao nyan sa school eh. Maaga naman kasi ako pumasok, pero actually araw-araw naman akong pumapasok ng maaga eh. Nung una nga eh, natatakot akong pumunta sa cr kasi madilim pa talaga. At may mga kwento pa na may mga multo na naggagala. Pero nilakasan ko na lang yung loob ko. Buti na lang talaga at pumunta ako sa comfort room. Kung hindi, hindi ko pa makikita yang cute na bulaklak na yan Maliit lang yung pinaka-halaman niyan. Nakakalat yan sa buong harapan ng Bonifacio Building. Marami siyang bulaklak sa isang halaman niya. Ang pangalan niya ay Fresh White Summer Flower. Nakita ko lang yung name niya sa internet dahil sinearch ko kung anong name niya.  Napansin ko din na parang spiral yung shape ng petals niya. Yung parang elisi (sorry kung mali yung spelling, hindi ko alam eh). Pero hindi naman nakakasugat yung petals niya kahit na ganoon yung shape dahil malambot lang yung petals niya. Kaya wag kayong mag-aalala hindi kayo masasaktan niyan. Anyway, Dahil sa liit niya, at sa hindi maganda ang camera ko, nahirapan akong kuhanan siya dahil madilim pa. Buti na lang maliwanag yung kinalabasan ng picture. So iyan muna, sana nagustuhan niyo!!!

Wednesday, January 28, 2015

Plastic Flower?


Hey! Look at the picture. Parang plastic yung flower nuh? Mayroon naman talagang parang plastik na ganyan. Pero totoong bulaklak yan kasi nakita ko na nakatanim talaga siya. Pinicturan ko siya sa harap ng ERC ng school namin kaninang recess. Matagal ko na siyang nakikita doon pero kanina ko lang naisipan na kuhanan. Sorry kung may extra sa right side niya. Bag yan at palda ng aking bestfriend na si Alyssa. Pinapatabi ko kasi siya kaso ayaw niya kaya iyan pati siya nakuhanan. Anyway, base sa aking co-media arts na si Melvin, yung kulay pink na part nung flower ay yung susunod na magiging dahon ng halaman na yan. Pero hindi ako masyadong naniwala sa sinabi niya dahil hindi ko pa naman nakikita. Aalamin ko na lng kung totoo yung sinasabi niya. Kapag ginamitan mo ng extreme close up yung pinaka white na part ng bulaklak. Makikita mo na may mga nakaumbok na bilog. Parang tastebuds sa dila natin. Ganoon ang itsura niya. Para makita niyo talaga nang maigi, kukuhanan ko na lang siya ng extreme close up. Pagkatapos ay ipopost ko para makita niyo.

Tiny Orange Flower



Hi =) Yang flower na yan ay nakita ko lang sa harap ng Extensive Reading Center (ERC) namin. Nakatago pa nga yan sa likod ng halaman, pero nakita ko pa rin siya. Malikot kasi mata ko eh kaya nakita ko siya. Nagandahan ako sa kanya nung nakita ko siya. Para siyang maliliit na bulaklak na nakabungkos. Pag ginamit mo yung macro, makikita mo siya ng kabuuan. Meron siyang limang petls na kulay orange. Maliliit lang din yung mga dahon niya at hindi naman kalakihan yung pinaka halaman niya. Dito ko lang siya sa school nakita. Wala kasing ganyang bulaklak sa lugar namin. Nagdalawang isip pa nga ako kung kukuhanan ko siya eh. Pero sa huli, kinuhanan ko na din para mai-post dito sa blog ko. Sana nagustuhan niyo ulit yung pinost kong flower. Salamat =)

Smelly Flower
















Hello! Bakit "Smelly Flower" ang pinangalan ko? Kasi mabaho daw yang bulaklak na yan sabi ng mga tiga- sa amin. Actually damo siya na namumulaklak. Namumunga din siya ng bilog-bilog na kulay green at kapag nahinog ay kulay violet. Nakikita niyo sa picture na parang bungkos siya ng malilit na bulaklak. Kapag namulaklak yang baho-baho na yan ay maraming bulaklak. Madami pa ang tawag diyan, pero hindi ko na natandaan yung iba na sinabi lang ng lola ko. Nagkalat yan sa amin, lalo na sa gubat or bundok. Kapag umaahon kami sa hulo namin at kapag may nadadaanan kaming ganyan ay pinipitas namin. Binabato namin yung bunga niyan na kulay green. Pagkatapos yung bunga niyang bulaklak ay hinihimay namin pagkatapos sinasahog namin kapag naglalaro kami ng luto-lutuan. Ginagawa ding bala ng mga bata sa amin yung kulay green na bunga niya. Pinapasok sa straw pagkatapos ay hihipan para matamaan yung kalaro nila. Kapag natamaan ka nun ay masakit. Lalo na kapag malakas ang pagka-ihip doon sa straw. May malilit din na parang tinik yung katawan ng baho-baho. Masakit din siya kapag tumama yan sa balat mo. Ganoon din yung mga dahon nito , magaspang at parang may mga pinong tinik. Yung pinaka-halaman naman niya ay lumalaki din pero hindi katulad sa laki ng mga puno. Mga kalahati ng maliit na puno ng mangga. Pagkauwi ko, nagbihis muna ako bago ako pumunta sa gilid ng bahay ng lola ko. Tinanung ko muna kung ano ang pangalan niya bago ko siya kinuhanan. Marami siyang sinabi na pangalan nito, pero "baho-baho" lang ang natandaan ko  . Hehe. Sorry! Okay, sana nagustuhan niyo itong na-share ko ngayon sa inyo!!!!!

Tuesday, January 27, 2015

Little Light Purple Zinnia


Good Morning ! I'm back! At ang flower na pinost ngayon is zinnia, little light purple zinnia. Kung yung nakaraan ay color red ngayon naman ay color purple. Kung nakikita niyo sa may gitna ng zinnia, may maraming little yellow flowers. At kung maizo-zoom mo pa siya ng maigi ay makikita mo ng mas malapitan yung mga yellow flower. Ang flower na zinnia ay maraming petals. Nakikita niyo naman di ba sa picture. Kinuhanan ko siya sa tapat ng Math Center ng school namin. Maraming ganyan sa math center namin. At marami ka pa ding makikita na magagagandang bulaklak doon.

Monday, January 26, 2015

Flower in Fire
















Flower in Fire? Nagtataka ba kayo kung bakit iyan ang title? Hindi ba may Girl on Fire, syempre ako may Flower in Fire. Haha. Pauso ba? Kasi ganito yan, kaya ko siya pinangalanan ng "Flower in Fire" kasi syempre hindi ba obvious sa kulay niya? Parang red na ma-orange at yellow. Isa din yang flower na yan sa mga maliliit na flower na nakita ko. Yan naman ay kinuhanan ko sa harap ng Filipino Department na nasa likod din ng math center. Lagi na lng math center nuh? Marami kasi silang bulaklak doon kaya ganoon. Hindi ko din alam ang tawag diyan sa bulaklak na yan, nakikita ko lang kasi yan kapag nagrerecess kami. Tinanong ko na din sa mga teacher kung ano name niya pero hindi din daw nila alam kasi nakikita lang din nila yan. Actually, nagkalat yang halaman na yan kaya araw-araw mo talaga silang makikita. So sa nagyon, inaalam ko pa kung ano ang tawag sa kanya.

Small but Beautiful Flower



Ang cute ba ng title? Kasing cute ng flower sa picture? Hehehe. YAng flower na yan ay nakita ko sa Math center namin. Sa ibaba siya ng santan na halaman nakapuwesto. Sa unang tingin akala mo damo lamang pero nung tinitigan ko siya ng malapitan , nasabi kong bulaklak pala siya. Mga 6:30 ko siya ng umaga pinicturan sa math center. Nagtataka kayo kung bakit nag aga? Kasi maaga akong pumasok. Sinadya ko talaga yun kasi minsan nahihiya akong mag-picture kapag may mga taon nakatingin. Pero sa tingin ko, masasanay din ako. So, balik doon sa flower, isa siya sa mga pinakamaliit na flower na nakita ko. Meron pang mas maliit diyan yung kulay yellow sya. Sa susunod ko na lang siya ipopost para makita niyo. So, tingnan nyo siya ng maigi mayroon siyang anim na petals na ang shape ay parang pa-triangle. At makikita niyo din na may maliit na yellow-prange at white na parang flower din sa gitna niya. Nung nakit ko yan sa math center marami sila. Pero yung iba may kagat na ng insekto yung petlas kaya pinili ko na lang siya.

Unfamiliar Flower

Hello :-) This plant is called zinnia. Parang may pagkahawig siya sa sunflower at daisy di ba? Magkakapamilya ata sila eh kaya ganun. So, hindi naman ako masyadong pamilyar sa kanya dahil kahapon ko lang siya nakita. Papunta kasi ako sa canteen ng makita ko siya doon sa may harap ng math center. Pumasok ako kanina ng maaga para picturan ko siya. Pagkatapos ay nakakita pa ako ng maraming flower doon kaya pinicturan ko na. Dumating si Mam Chat, tinanung ko kung anong name nyang flower na yan ata ang sabi niya ay Zinnia. Dati ko na naririnig yung zinnia na flower pero ngayon ko lang nakita yung pinaka-flower niya. Narinig ko yung pangalan niya noong nagkaroon kami ng camping sa Nagwaling Elementary School. Pinaghiwalay-hiwalay yung magkakasama sa bawat school. At nagkaroon ng group na may mga members mula sa iba't ibang school. At ang kailangan na pangalan ng bawat group ay name ng bulaklak. At narinig ko sa grupo nila Glorie (co-gs ko at classmate ko) na "zinnia" ang pangalan ng grupo nila. At doon ko nga nalaman na may zinnia pala na bulaklak. Pangalan palang ang alam ko noon at ngayon lang ako nakakita ng itsura ng zinnia. At namangha talaga ako kasi maganda sila. May iisa silang halaman, pagkatapos ay may iba't ibang mga kulay at laki ng zinnia. Sa ngayon, nagreresearch pa ako about sa zinnia para may iba pa kong information about sa kanya. At manghihingi na din ako ng bulaklak na yan para maitanim sa bahay namin :-)

Bougainvillea
















Hey guys! Yang flower na nga pala na yan bougainvillea. Ang hirap ng spelling ng name nya nuh? Pero madali naman tandaan. Medyo violet pink yang bougainvillea sa picture. Meron din na bougainvillea na medyo orange. Pero hindi ko na siya nakuhanan, next time na lang. Itong halaman na ito o bulaklak na ito, kapag namunga siya ay napakarami kaya maganda siyang tignan. Yung mga dahon niya ay dark green. Yung mga stem din niya ay may mga tinik katulad ng euphorbia. Yung halaman na ito ay lumalaki lang ng 10 hanggang 12 ft tall. Malaking halaman itong bougainvillea na ito. Marami kaming ganyan sa farm namin. Kulay orange at pink ang kulay niya. Mas matangkad pa sa akin yung halaman ng bougainvillea dun sa farm namin. Pero hindi iyon ang kinuhanan ko, yang bulaklak na yan kinuhanan ko sa school namin, sa may gilid ng math park. So, sana nagustuhan niyo ulit! Thanks :)

Sunday, January 25, 2015

Yellow Flower


Hello :-) Yang yellow flower na yan ay hindi ko alam ang pangalan. Pasensya na! Tinanung ko kasi mama kung anong pangalan ng bulaklak na yan pero nakalimutan daw niya. Sa ngayon, iniisip pa ni mama kung ano ang pangalan niya. Yung puno ng bulaklak na yan ay hindi naman kalakihan. mababang halaman lang siya. Marami kaming tanim na ganyan sa harap ng bahay namin. Yung dahon ng flower na yan kung mapapnsin niyo ay parang triangle yung shape ng gilid ng dahon. At alam niyo ba, napapansin ko kapag umaga nakabuka siya pagkatapos kapag hapon naman ay tumitiklop na siya. Nagtataka ako kung bakit ganun. Pero siguro ganun talaga siya, umaga lang nakabuka pagkatapos ay tumitiklop na sa hapon.

Thursday, January 22, 2015

Little Flower in the Garden


Hi guys! Kaya ko siya nilagyan ng title na "Little Flower in the Garden" kasi nung nakita ko siya sa garden ng tita ko ay nag-iisa lang siya at siya ang pinakamaliit na bulaklak na nakita ko doon. Tinanung ko si tita kung anong tawag sa flower na yan pero hindi niya na daw matandaan. At kaya daw yan nag-iisa na lang kasi pinatay niya na daw yung kasama. Kawawa naman siya nuh? Wala ng kasama. Haha. Anyway, kahit nag-iisa lang siya doon sa part ng garden ng tita ko eh, talagang mapapansin mo siya kahit maliit siya. Kasi napakaganda niya talagang bulaklak kahit maliit lang siya. At meron lang siyang pitong malilit na petals. Yung 2 by pairs sila tapos yunng 3 ay hiwalay. Magkakaaaway ata sila eh. Hahaha. Joke :). So, sana nagustuhan niyo yung little flower ko kasi ako ang cute niya para sakin :)

The Octopus Flower




Late morning ! Hi guys! Nagtataka kayo kung bakit ganyan ang title niya? Kasi ganito yan, bukod kasi sa kulay violet siya marami din siyang payat na petals. Hindi ba ganoon yung octopus? Maraming galamay na payat at kulay violet. Kaya ganyan ang title ng post ko ngayon. Kung hindi niyo gets? I'm sorry. Okay! I know na hindi walo yung petals niya. Pero ganyan po yung naisip kong title eh. Anyway, yung sinasabi ko sa inyong parang octopus na bulaklak ang pangalan niya ay aster, a daisy-like flower. Isa siya sa mga nakita kong flower na maraming petals. Ang mga kulay niya ay red, pink, white at purple. Purple aster pa lang yung nakikita ko kasi iyan lang ang meron dito. Sabi ng tita ko, dahil sa kanila ko yan kinuhanan, nakakaattract daw ang aster ng mga butterflies. At kapag namulaklak din siya ay marami ding bulaklak. Maganda siyang tignan sa inyong garden kung marami siyang bulaklak. Tumutubo lang din ang aster sa type ng lupa na loamy.

At kung mapapansin niyo din, na medyo madilim yung background niya. Kasi nakatago yang aster na yan. Hinawi ko lang yung mga dahon niya para makuhanan ko siya. Lonely nga siya doon eh, kasi siya lang yung aster na nakita kong nagtatago sa mga dahon niya sa garden ng tita ko. Mababa lang din ang pinaka-halaman ng aster. Hindi siya lumalaki ng as in malaki talaga, maliit lang talaga siya. Ang mga dahon niya din ay mga payat katulad ng mga petals ng bulaklak niya.

Orchids

















Hi guys! Ang next ko namang pinost ay etong iba't ibang Orchids. Maraming iba't ibang orchids ang matatagpuan sa Pilipinas, pati na rin sa buong mundo maliban na lang sa  Antartica. Ang orchids ay isang pamilya ng halaman na kapag namulaklak ay sobrang dami ng bulaklak. Kapag nakita mo ang orchids kapag namulaklak, talagang magagandahan ka dahil kakaiba ang kanilang ganda. Lalo na kapag makikita mo sa iisang lugar ang iba't ibang uri ng orchids ay mapapa-wow ka talaga. So, iyang mga example ko nang orchids ay tanim ng tita ko. Marami siyang tanim na ganyan sa kanilang bakuran. At makikita mo talaga kung gaano kadami ang mga bulaklak nito. Sa unang pagkakita ko sa kanila ay sobrang nagandahan talaga ako dahil nga sa iba't iba nilang kulay. Meron pa sana dun isang klase ng orchids na kulay yellow, pero gabi na naman ako nakapagpicture kaya hindi ko na siya kinuhanan. Madilim na kasi nun eh, light pa naman kulay niya. At baka din kasi hindi na siya makita. So, sana nagustuhan niyo yung mga picture ko ng mga orchids.

Bee's Friend


Hello :-). "Bee's Friend" ang title niya dahil yung mga bees bubuyog ang tumutulong sa pagrami ng bulaklak ng halaman na yan. Yung mga bubuyog yung nagdadala ng mga pollen grains ng bulaklak na yan sa ibang lugar upang magkaroon doon sa lugar ng bulaklak na ito. Ang flower na ipapakilala ko ngayon sa inyo ay Gumamela. Marami nang ganyang halaman sa Pilipinas kaya sure ako na kilalang-kilala niyo na ang Gumamela. May red at yellow din na Gumamela. Meron siyang limang petals na malalaki ang size. Kung mapapansin niyo sa gitna ng flower yung parang haba. At sa pinakadulo nito ay ang mga polen grains ng Gumamela. Sabi ko nga, ito yung ginagamit ng mga bubuyog or bees para dumami pa ang lahi ng gumamela.

Wednesday, January 21, 2015

Be careful with this FLOWER


Hello! Para bang nakakatakot yung title ng post ko ngayon? Hehe. Kaya ganyan ang title niya dahil sa kanyang pinaka-halaman. Marami kasi itong tinik, pero hindi basta tinik lang kundi malalaking tinik. This is Euphorbia. Masakit kapag natusok ka nito. Marami din siyang iba't ibang kulay like pink, red, at parang dirty white. Kung titigan mo siya, parang 2 petals na malalaki lang yung flower. At minsan naman may nakikita kang buto sa pinakagitna nito, hindi ko alam kung buto niya yun or iba. At kapag pinitas mo siya sa pinaka katawan niya, may lalabas na sap, malagkit ito na kulay puti. Payat yung mga dahon nito. At kapag pinitas mo din ang dahon niya ay mayroon ding sap na lalabas. Ang bunga ng bulaklak na ito ay nasa pinakatuktok ng halaman na ito. Medyo matangkad din ang halaman nito. Anyway, sorry kung medyo madilim yung photo kasi mga 5:30 ko na siya kinuhanan. Ipapakita ko na lang yung iba niyang kulay sa susunod kong post.

Heaven's Flower



Good Morning! Maganda ba yung title niya! Kaya ko lang naman naisip na ganoon yung title niya dahil sa kanyang pangalan. Etong flower na sinasabi ko na Heaven's Flower ay isang White Angel. So, naintindihan niyo na kung bakit ganyan ang title ng post ko ngayon? Kasi nga di bah White angel and saan ba natin makikita ang white angel? Di ba sa heaven. Pero hindi siya literal na angel talaga, flower siya. Anyway,pansin niyo naman na 5 lang ang kanyang petals. At siguro kaya siya tinawag na White Angel kasi color white siya. Kapag ginamitan mo siya ng extreme close-up , makikita mo yung parang Coned-Shaped  na yellow sa pinakagitna niya. Hindi lang kasi masyadong malinaw ang aking camera kaya hindi ko kayang ma-close up. Pero kung mayroon kayong DSLR, maganda siya kapag close-up.At isa pa sa maganda sa White Angel ay pag namunga siya, marami talagang bunga. Kaya napakaganda niya kapag namumunga. So, sa susunod ulit. Sana nagustuhan niyo ulit yung picture :-)

Monday, January 19, 2015

The Valentine's Flower


Hello :-)  This is my 3rd entry for my blog. Siguro naman alam nyo na kung ano yung flower na nasa picture. Kung hindi niyo pa yan alam, iyan ay isang red na rose. Maraming ganyan dito sa town namin, iba't ibang kulay gaya ng pink, red, black, white at meron din naman na parang orange. Sa aking pagkakaalam, unti lang ang rose na parang orange yung kulay. Mayroon kaming orange na rose sa bahay, at sa susunod na entry ko na lang ipapakita. Actually, di naman pure orange yung rosena yun meron siyang dalawang color kaya hindi siya pure orange. Ang mga black rose naman ay makikita lang sa mga bansang Turkey. Wala kayong makikita dito sa Pilipinas ng black rose. Kaya kung gusto niyo ng ganito ay pumunta kayo sa Turkey. Hehe. Anyway, kaya siya The Valentine's Flower. Kasi nga di ba kadalasan kapag valentines day, rose ang kadalasang binibigay ng mga tao sa mga mahal nila. Parang ito na ba yung pambansang flower kapag valentines. Maganda kasi siya at mabango pa kaya siguro ito ang kadalasan nilang binibigay. Malapit ng valentines. Next month na kaya ihanda niyo na ang rose niyo! Haha . Pero hindi ko sinabi na pitasin niyo na ngayon. January pa lang, baka hindi na yan umabot sa valentines day. Baka bulok na yan. Haha. So Iyon muna for this day, hope you like it :-)

Monday, January 12, 2015

Santan


Good morning :) That flower is santan. Marami nyan sa barangay namin at i'm sure na marami din yan dito sa bataan pati na rin sa ibang lugar. Maraming color din ang santan, orange and yellow lang ang alam ko. Kuha ko yang picture na yan sa harap ng bahay ng lola ko. Marami kasi silang santan. Yang bulaklak na yan ay ginagawa naming necklace, bracelet or crown nung bata kami . Tinatanggal klang yung pinakagitna nya tsaka pinagdurugtong sila. Bahala ka na kung gaano kahaba yung gusto mo. Mas maikli kapag bracelet lang at mas mahaba kapag crown at necklace. Okay! Sana nagustuhan nyo!  Sa susunod ulit :)

Sunday, January 11, 2015

Sunflower's Sister


Hello =) This is my first picture for my blog. Yang flower na yan ay daisy. Nasa harap ng bahay namin siya nakatanim at hapon ko na siya kinuhanan ng picture. Maraming color ang daisy may yellow, orange at white. Orange lang yung nakatanim sa amin kaya siya lang ang nakuhanan ko. May yellow daisy kami dati pero namatay siya. Ang akala ko dati dyan ay sunflower. Napagkakamalan ko siyang sunflower kasi parang ganun siya at minsan lang kasi ako makakita ng isang totoong sunflower. Pero nung tinanong ko si mama, daisy daw yang halaman na yan. Pansin niyo nuh? Marami siyang payat na petals. Iyon yung dahilan kung bakita napagkakamalan ko siyang sunflower. Pero ngayon naintindihan ko na talafa na magkaiba sila ng sunflower. At isa pa magkakatulad sila ng kulay katulad ng yellow, orange at red. For now, iyan muna. Abangan nyo lang yung iba pang picture sa mga susunod araw. Sana nagustuhan niyo! :)

Thursday, January 8, 2015

Me as a Photographer

Good Morning to all! Ako nga pala si Jaimelyn Mesa. Nasa highschool na ako at ako ay isang SPA student. Media arts aking specialization kung saan nag-aaral ako ngayon ng photography.  Marami na akong alam na techniques at mga iba-ibang shot sa pagkuha ng mga picture. Actually, hindi lang about sa photography ang pinag-aaralan ko, nag-aaral din ako kung paano gumawa ng movie. Pero kulang pa ako sa karanasan sa paggagawa ng movie kaya photography muna ako. Ginawa ko itong blog ko para i-share sa inyo ang mga nakukuhanan ko. Ang napili kong subject for my blog ay iba't ibang flowers na matatagpuan lang sa town namin. Flowers ang napili ko kasi sila yung gusto kong kuhanan, ang gaganda kasi nila kahit maliit or malaking bulaklak. Ang mga kukuhanan kong flowers ay yung makikita lang sa barangay namin or town kasi hindi naman ako masyadong nakakapunta ng ibang lugar. So, sana magustuhan niyo yung mga ipopost kong picture!