Thursday, January 22, 2015
Orchids
Hi guys! Ang next ko namang pinost ay etong iba't ibang Orchids. Maraming iba't ibang orchids ang matatagpuan sa Pilipinas, pati na rin sa buong mundo maliban na lang sa Antartica. Ang orchids ay isang pamilya ng halaman na kapag namulaklak ay sobrang dami ng bulaklak. Kapag nakita mo ang orchids kapag namulaklak, talagang magagandahan ka dahil kakaiba ang kanilang ganda. Lalo na kapag makikita mo sa iisang lugar ang iba't ibang uri ng orchids ay mapapa-wow ka talaga. So, iyang mga example ko nang orchids ay tanim ng tita ko. Marami siyang tanim na ganyan sa kanilang bakuran. At makikita mo talaga kung gaano kadami ang mga bulaklak nito. Sa unang pagkakita ko sa kanila ay sobrang nagandahan talaga ako dahil nga sa iba't iba nilang kulay. Meron pa sana dun isang klase ng orchids na kulay yellow, pero gabi na naman ako nakapagpicture kaya hindi ko na siya kinuhanan. Madilim na kasi nun eh, light pa naman kulay niya. At baka din kasi hindi na siya makita. So, sana nagustuhan niyo yung mga picture ko ng mga orchids.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment