Thursday, January 29, 2015

Fresh White Summer Flower



 Hi! Ang next kong ipinost na flower ay yang nasa picture. Maliit ulit na bulaklak siya noh? Nakita ko lang kasi kanina yan sa Bonifacio Building pagkatapos ko pumunta sa comfort room. Wala pa nga masyadong tao nyan sa school eh. Maaga naman kasi ako pumasok, pero actually araw-araw naman akong pumapasok ng maaga eh. Nung una nga eh, natatakot akong pumunta sa cr kasi madilim pa talaga. At may mga kwento pa na may mga multo na naggagala. Pero nilakasan ko na lang yung loob ko. Buti na lang talaga at pumunta ako sa comfort room. Kung hindi, hindi ko pa makikita yang cute na bulaklak na yan Maliit lang yung pinaka-halaman niyan. Nakakalat yan sa buong harapan ng Bonifacio Building. Marami siyang bulaklak sa isang halaman niya. Ang pangalan niya ay Fresh White Summer Flower. Nakita ko lang yung name niya sa internet dahil sinearch ko kung anong name niya.  Napansin ko din na parang spiral yung shape ng petals niya. Yung parang elisi (sorry kung mali yung spelling, hindi ko alam eh). Pero hindi naman nakakasugat yung petals niya kahit na ganoon yung shape dahil malambot lang yung petals niya. Kaya wag kayong mag-aalala hindi kayo masasaktan niyan. Anyway, Dahil sa liit niya, at sa hindi maganda ang camera ko, nahirapan akong kuhanan siya dahil madilim pa. Buti na lang maliwanag yung kinalabasan ng picture. So iyan muna, sana nagustuhan niyo!!!

No comments:

Post a Comment