Monday, January 26, 2015

Small but Beautiful Flower



Ang cute ba ng title? Kasing cute ng flower sa picture? Hehehe. YAng flower na yan ay nakita ko sa Math center namin. Sa ibaba siya ng santan na halaman nakapuwesto. Sa unang tingin akala mo damo lamang pero nung tinitigan ko siya ng malapitan , nasabi kong bulaklak pala siya. Mga 6:30 ko siya ng umaga pinicturan sa math center. Nagtataka kayo kung bakit nag aga? Kasi maaga akong pumasok. Sinadya ko talaga yun kasi minsan nahihiya akong mag-picture kapag may mga taon nakatingin. Pero sa tingin ko, masasanay din ako. So, balik doon sa flower, isa siya sa mga pinakamaliit na flower na nakita ko. Meron pang mas maliit diyan yung kulay yellow sya. Sa susunod ko na lang siya ipopost para makita niyo. So, tingnan nyo siya ng maigi mayroon siyang anim na petals na ang shape ay parang pa-triangle. At makikita niyo din na may maliit na yellow-prange at white na parang flower din sa gitna niya. Nung nakit ko yan sa math center marami sila. Pero yung iba may kagat na ng insekto yung petlas kaya pinili ko na lang siya.

No comments:

Post a Comment