Hey! Look at the picture. Parang plastic yung flower nuh? Mayroon naman talagang parang plastik na ganyan. Pero totoong bulaklak yan kasi nakita ko na nakatanim talaga siya. Pinicturan ko siya sa harap ng ERC ng school namin kaninang recess. Matagal ko na siyang nakikita doon pero kanina ko lang naisipan na kuhanan. Sorry kung may extra sa right side niya. Bag yan at palda ng aking bestfriend na si Alyssa. Pinapatabi ko kasi siya kaso ayaw niya kaya iyan pati siya nakuhanan. Anyway, base sa aking co-media arts na si Melvin, yung kulay pink na part nung flower ay yung susunod na magiging dahon ng halaman na yan. Pero hindi ako masyadong naniwala sa sinabi niya dahil hindi ko pa naman nakikita. Aalamin ko na lng kung totoo yung sinasabi niya. Kapag ginamitan mo ng extreme close up yung pinaka white na part ng bulaklak. Makikita mo na may mga nakaumbok na bilog. Parang tastebuds sa dila natin. Ganoon ang itsura niya. Para makita niyo talaga nang maigi, kukuhanan ko na lang siya ng extreme close up. Pagkatapos ay ipopost ko para makita niyo.
No comments:
Post a Comment