Thursday, January 22, 2015

The Octopus Flower




Late morning ! Hi guys! Nagtataka kayo kung bakit ganyan ang title niya? Kasi ganito yan, bukod kasi sa kulay violet siya marami din siyang payat na petals. Hindi ba ganoon yung octopus? Maraming galamay na payat at kulay violet. Kaya ganyan ang title ng post ko ngayon. Kung hindi niyo gets? I'm sorry. Okay! I know na hindi walo yung petals niya. Pero ganyan po yung naisip kong title eh. Anyway, yung sinasabi ko sa inyong parang octopus na bulaklak ang pangalan niya ay aster, a daisy-like flower. Isa siya sa mga nakita kong flower na maraming petals. Ang mga kulay niya ay red, pink, white at purple. Purple aster pa lang yung nakikita ko kasi iyan lang ang meron dito. Sabi ng tita ko, dahil sa kanila ko yan kinuhanan, nakakaattract daw ang aster ng mga butterflies. At kapag namulaklak din siya ay marami ding bulaklak. Maganda siyang tignan sa inyong garden kung marami siyang bulaklak. Tumutubo lang din ang aster sa type ng lupa na loamy.

At kung mapapansin niyo din, na medyo madilim yung background niya. Kasi nakatago yang aster na yan. Hinawi ko lang yung mga dahon niya para makuhanan ko siya. Lonely nga siya doon eh, kasi siya lang yung aster na nakita kong nagtatago sa mga dahon niya sa garden ng tita ko. Mababa lang din ang pinaka-halaman ng aster. Hindi siya lumalaki ng as in malaki talaga, maliit lang talaga siya. Ang mga dahon niya din ay mga payat katulad ng mga petals ng bulaklak niya.

No comments:

Post a Comment