Hello :-) This plant is called zinnia. Parang may pagkahawig siya sa sunflower at daisy di ba? Magkakapamilya ata sila eh kaya ganun. So, hindi naman ako masyadong pamilyar sa kanya dahil kahapon ko lang siya nakita. Papunta kasi ako sa canteen ng makita ko siya doon sa may harap ng math center. Pumasok ako kanina ng maaga para picturan ko siya. Pagkatapos ay nakakita pa ako ng maraming flower doon kaya pinicturan ko na. Dumating si Mam Chat, tinanung ko kung anong name nyang flower na yan ata ang sabi niya ay Zinnia. Dati ko na naririnig yung zinnia na flower pero ngayon ko lang nakita yung pinaka-flower niya. Narinig ko yung pangalan niya noong nagkaroon kami ng camping sa Nagwaling Elementary School. Pinaghiwalay-hiwalay yung magkakasama sa bawat school. At nagkaroon ng group na may mga members mula sa iba't ibang school. At ang kailangan na pangalan ng bawat group ay name ng bulaklak. At narinig ko sa grupo nila Glorie (co-gs ko at classmate ko) na "zinnia" ang pangalan ng grupo nila. At doon ko nga nalaman na may zinnia pala na bulaklak. Pangalan palang ang alam ko noon at ngayon lang ako nakakita ng itsura ng zinnia. At namangha talaga ako kasi maganda sila. May iisa silang halaman, pagkatapos ay may iba't ibang mga kulay at laki ng zinnia. Sa ngayon, nagreresearch pa ako about sa zinnia para may iba pa kong information about sa kanya. At manghihingi na din ako ng bulaklak na yan para maitanim sa bahay namin :-)
No comments:
Post a Comment