Wednesday, January 28, 2015
Smelly Flower
Hello! Bakit "Smelly Flower" ang pinangalan ko? Kasi mabaho daw yang bulaklak na yan sabi ng mga tiga- sa amin. Actually damo siya na namumulaklak. Namumunga din siya ng bilog-bilog na kulay green at kapag nahinog ay kulay violet. Nakikita niyo sa picture na parang bungkos siya ng malilit na bulaklak. Kapag namulaklak yang baho-baho na yan ay maraming bulaklak. Madami pa ang tawag diyan, pero hindi ko na natandaan yung iba na sinabi lang ng lola ko. Nagkalat yan sa amin, lalo na sa gubat or bundok. Kapag umaahon kami sa hulo namin at kapag may nadadaanan kaming ganyan ay pinipitas namin. Binabato namin yung bunga niyan na kulay green. Pagkatapos yung bunga niyang bulaklak ay hinihimay namin pagkatapos sinasahog namin kapag naglalaro kami ng luto-lutuan. Ginagawa ding bala ng mga bata sa amin yung kulay green na bunga niya. Pinapasok sa straw pagkatapos ay hihipan para matamaan yung kalaro nila. Kapag natamaan ka nun ay masakit. Lalo na kapag malakas ang pagka-ihip doon sa straw. May malilit din na parang tinik yung katawan ng baho-baho. Masakit din siya kapag tumama yan sa balat mo. Ganoon din yung mga dahon nito , magaspang at parang may mga pinong tinik. Yung pinaka-halaman naman niya ay lumalaki din pero hindi katulad sa laki ng mga puno. Mga kalahati ng maliit na puno ng mangga. Pagkauwi ko, nagbihis muna ako bago ako pumunta sa gilid ng bahay ng lola ko. Tinanung ko muna kung ano ang pangalan niya bago ko siya kinuhanan. Marami siyang sinabi na pangalan nito, pero "baho-baho" lang ang natandaan ko . Hehe. Sorry! Okay, sana nagustuhan niyo itong na-share ko ngayon sa inyo!!!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment