Good Morning :) Okay malapit nang matapos yung pagpopost ko dito sa blog na ito. Kasi hanggang 30 posts lang ang sinabi sa amin. Itong blog ko kasi ay ginawa ko para sa specialization ko na Media Arts. Pero may isa pa akong blog na patuloy pa rin akong magpopost :)
Anyway, yang bulaklak na nasa picture ay kinuhanan ko kaninangnakitang, nung pauwi na akos sa gilid ng math park. Halos yung iba kong picture ng bulaklak ay kuha sa math park ng school namin. Marami kasi doon na nakatanim na bulaklak. At magaganda pa ang mga nakatanim dito kaya naeen-ganyo akong kuhanan sila.! Yang bulaklak na yan ay kahapon ko lang nakita, nung pauwi na ako. Actually, nakikita ko yang halaman na yan sa gilid ng office namin. Pero nahihiya akong kuhanan siya doon, dahil maraming tao na dumaraan doon. Alam niyo naman ako may pagkamahiyaan. Pero nung nakita ko siya sa gilid ng math center, doon ko na lang siya kuhanan para hindi na ako mahiya doon sa office. Medyo silaw yung right side niya, dahil nabibilad siya sa araw nung nakita ko. Tinakpan ko na lang para hindi siya masyadong maliwanag kapag kinuhanan ko. Pero hindi ko nagawa dahil may silaw pa rin yung right side niya. Pero ayos lang yun atleast hindi siya buong maliwanag. Kung titignan niyo ulit siya, at izozoom niyo , may makikita kayong insekto. Hindi ko lang malaman kung langgan ba siya o maliit na bubuyog. Pero parang langgam talaga siya. Ang kulay ng flower na yan ay violet, kita niyo naman di ba? Hehehe :) Hindi ko alam yung pangalan ng bulaklak na yan. Sorry, kung kadalasan hindi ko kilala yung mga bulaklak na pinopost ko. Hindi po kasi ako masyadong familiar sa mga bulaklak na yan. So, sana nagustuhan niyo po yung pinost ko ngayon ! :)
No comments:
Post a Comment