Sunday, February 1, 2015

My Super Little Flower


Hi guys! This is my second post for this day! Sa ngayon, hindi ko pa alam yung pangalan ng bulaklak na yan. Pero don't worry, aalamin ko mamaya. Hehe, sorry! Anyway, yung pinaka-halaman ng bulaklak na yan ay matinik. Actually, yung mga dahon niyang maliliit yung may mga tinik. Kapag natusok ka niyan ay sobrang masakit. Parang cactus yung dahon ng bulaklak na yan. Nung natinik ako niyan, nasaktan talaga ako. Kaya talagang nag-ingat ako nung kinuhanan ko siya kasi baka matinik na naman ako. Kinuhanan ko siya pagkatapos ko kuhanan yung bulaklak ng talong. Tinitignan na nga ako nung mga tambay sa amin. Nagtataka siguro kung ano ginagawa ko. Haha. Hindi kasi nila alam na kinukuhana ko yan ng picture. Pasensya na nga pala yung picture dahil medyo malabo. Nahihirapan talaga kasi ako makakuha ng picture sa camera ko. Papalitan ko na lang siya kapag dumating na yung bago kong camera. Sa ngayon, kung maaari pagtiyagaan niyo muna. Anyway, back sa bulaklak, Kung makikita niyo mayroon lang siyang limang petals at mayroong kulay yellow sa gitna niya. Medyo mahirap siyang pitasin sa pinakahalaman niya dahil nga matinik. Madaling matanggal yung petals ng bulaklak na yan. Kaya kung kukuhanin mo siya. Ingatan mo kasi natatanggal agad siya. Iyan muna sa ngayon. Tomorrow, magpapakita ulit ako ng panibagong mga picture ng bulaklak =)

No comments:

Post a Comment