Sunday, February 1, 2015
Eggplant"s Flower
Good Morning! Yang flower na yan ay bulaklak ng eggplant. Kinuhanan ko siya sa likod ng bahay namin kahapon. Maliit lang siyang bulaklak na kulay violet, kakulay ng eggplant o talong sa tagalog. Ang halaman niya ay hindi naman kalakihan. Marami kaming tanim na talong sa likod ng bahay namin. Nakita ko lang yung bulaklak niya nung nanguha ako ng sako sa likod ng bahay namin. Mangangahoy kasi kami kaya pinakuha ako ng sako. Nung nakita ko na siya, naisip ko na i-post din siya sa blog ko. Kaya pagkatapos namin mangahoy ay bumalik ako sa likod ng bahay namin at kinuhanan na siya. Nahirapan nga akong kuhanan siya kasi magkakadikit yung mga tanim namin na ganyan. Sumiksik na lang ako para makuhanan ko siya. Marami rin akong kinuhanan na bulaklak niya sa iba't ibang halaman. Anyway, dahil sa may tanim nga kaming ganyan. Kapag wala kaming ulam ay iyan na lang ang niluluto ni mama. Masarap naman ang tanim naming talong. Kung gusto niyong matikman ay pumunta na lang kayo sa amin. Hehehe. Hindi lang naman iyan ang tanim namin. Mayroon din kaiming kalabasa. May bulaklak din ang kalabasa. At kinakain din ito. Pero wala pa kasing bulaklak yung kalabasa namin kaya sa susunod ko na lang ipapakita. So, iyan muna sa ngayon. Sana nagustuhan niyo!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment