Thursday, January 29, 2015
Pretty White-Pink Lily
So, iyang picture ng flower na ay ang "White and Pink Lily". Sa ERC ko ulit siya kinuhanan at kaninang recess din. Apat yung bunga niya, yung tatlo nakabuka na pero yung isa nakatiklop pa. Ang ganda niyang bulaklak di ba? Medyo malabo lang kasi yung kuha ko sa kanya kaya hindi masyadong malinaw. Pasensya na! Kasi nahihirapan pa kasi ako sa camera ko eh. So, kung izo-zoom niyo pa siya ng maigi makikita niyo yung pinakagitna niya na pinakamagandang part niya para sa akin. Makikita niyo din sa flower na yan na may mga lines na papasok sa gitna niya. Meron ding parang nakatiklop na maliit na flower sa gitna niya. Napanuod niyo na ba sa tv yung bulaklak ng myra? Kamukha niya di ba, pero ang kulay nung nasa tv ay kulay orange. Pero magkamukha pa rin siya. So, iyan muna ulit sa araw na ito. Next week, magpapakita ulit ako ng mas magagandang picture ng flower para sa inyo. Sana nagustuhan niyo yung mga na-share kong flower sa inyo ngayong linggo :-)
Bell flower
It's still morning so good morning =)
That flower is called Bell Flower. Kinuhanan ko siya sa may harap ng Extensive Reading Center (ERC) ng school namin. Kinuhanan ko siya nung recess namin. Kaya siya tinawag na "bell flower" kasi mukha siyang bell. Mayroon siyang limang pink petals at ang katawan niya ay parang "bell" nga. Sorry kung may bulok na bell flower na nasama sa may upper left side ng picture. Nakayuko kasi yan eh, kaya medyo kailangan ko pang yumuko para makuhanan kaya hindi ko nakita na nasama yung bulok. Medyo mas lumalaki ng mas malaki ang halaman na yan kaysa sa ibang halaman. Ayon sa classmate ko, mabahao daw siya. Pero sabi ko hindi naman kasi wala naman akong naamoy na kakaiba sa kanya. Babaho lang siya kapag pinatas mo siya sa pinakahalaman niya. May kamukha pa siyang isang bulaklak, kaso lang iyon ay kulay yellow. Nasa isip ko na kanina yung name eh, kaso nakalimutan ko kaya iisipin ko muna.! =)
Fresh White Summer Flower
Wednesday, January 28, 2015
Plastic Flower?
Hey! Look at the picture. Parang plastic yung flower nuh? Mayroon naman talagang parang plastik na ganyan. Pero totoong bulaklak yan kasi nakita ko na nakatanim talaga siya. Pinicturan ko siya sa harap ng ERC ng school namin kaninang recess. Matagal ko na siyang nakikita doon pero kanina ko lang naisipan na kuhanan. Sorry kung may extra sa right side niya. Bag yan at palda ng aking bestfriend na si Alyssa. Pinapatabi ko kasi siya kaso ayaw niya kaya iyan pati siya nakuhanan. Anyway, base sa aking co-media arts na si Melvin, yung kulay pink na part nung flower ay yung susunod na magiging dahon ng halaman na yan. Pero hindi ako masyadong naniwala sa sinabi niya dahil hindi ko pa naman nakikita. Aalamin ko na lng kung totoo yung sinasabi niya. Kapag ginamitan mo ng extreme close up yung pinaka white na part ng bulaklak. Makikita mo na may mga nakaumbok na bilog. Parang tastebuds sa dila natin. Ganoon ang itsura niya. Para makita niyo talaga nang maigi, kukuhanan ko na lang siya ng extreme close up. Pagkatapos ay ipopost ko para makita niyo.
Tiny Orange Flower
Smelly Flower
Hello! Bakit "Smelly Flower" ang pinangalan ko? Kasi mabaho daw yang bulaklak na yan sabi ng mga tiga- sa amin. Actually damo siya na namumulaklak. Namumunga din siya ng bilog-bilog na kulay green at kapag nahinog ay kulay violet. Nakikita niyo sa picture na parang bungkos siya ng malilit na bulaklak. Kapag namulaklak yang baho-baho na yan ay maraming bulaklak. Madami pa ang tawag diyan, pero hindi ko na natandaan yung iba na sinabi lang ng lola ko. Nagkalat yan sa amin, lalo na sa gubat or bundok. Kapag umaahon kami sa hulo namin at kapag may nadadaanan kaming ganyan ay pinipitas namin. Binabato namin yung bunga niyan na kulay green. Pagkatapos yung bunga niyang bulaklak ay hinihimay namin pagkatapos sinasahog namin kapag naglalaro kami ng luto-lutuan. Ginagawa ding bala ng mga bata sa amin yung kulay green na bunga niya. Pinapasok sa straw pagkatapos ay hihipan para matamaan yung kalaro nila. Kapag natamaan ka nun ay masakit. Lalo na kapag malakas ang pagka-ihip doon sa straw. May malilit din na parang tinik yung katawan ng baho-baho. Masakit din siya kapag tumama yan sa balat mo. Ganoon din yung mga dahon nito , magaspang at parang may mga pinong tinik. Yung pinaka-halaman naman niya ay lumalaki din pero hindi katulad sa laki ng mga puno. Mga kalahati ng maliit na puno ng mangga. Pagkauwi ko, nagbihis muna ako bago ako pumunta sa gilid ng bahay ng lola ko. Tinanung ko muna kung ano ang pangalan niya bago ko siya kinuhanan. Marami siyang sinabi na pangalan nito, pero "baho-baho" lang ang natandaan ko . Hehe. Sorry! Okay, sana nagustuhan niyo itong na-share ko ngayon sa inyo!!!!!
Tuesday, January 27, 2015
Little Light Purple Zinnia
Monday, January 26, 2015
Flower in Fire
Flower in Fire? Nagtataka ba kayo kung bakit iyan ang title? Hindi ba may Girl on Fire, syempre ako may Flower in Fire. Haha. Pauso ba? Kasi ganito yan, kaya ko siya pinangalanan ng "Flower in Fire" kasi syempre hindi ba obvious sa kulay niya? Parang red na ma-orange at yellow. Isa din yang flower na yan sa mga maliliit na flower na nakita ko. Yan naman ay kinuhanan ko sa harap ng Filipino Department na nasa likod din ng math center. Lagi na lng math center nuh? Marami kasi silang bulaklak doon kaya ganoon. Hindi ko din alam ang tawag diyan sa bulaklak na yan, nakikita ko lang kasi yan kapag nagrerecess kami. Tinanong ko na din sa mga teacher kung ano name niya pero hindi din daw nila alam kasi nakikita lang din nila yan. Actually, nagkalat yang halaman na yan kaya araw-araw mo talaga silang makikita. So sa nagyon, inaalam ko pa kung ano ang tawag sa kanya.
Small but Beautiful Flower
Unfamiliar Flower
Hello :-) This plant is called zinnia. Parang may pagkahawig siya sa sunflower at daisy di ba? Magkakapamilya ata sila eh kaya ganun. So, hindi naman ako masyadong pamilyar sa kanya dahil kahapon ko lang siya nakita. Papunta kasi ako sa canteen ng makita ko siya doon sa may harap ng math center. Pumasok ako kanina ng maaga para picturan ko siya. Pagkatapos ay nakakita pa ako ng maraming flower doon kaya pinicturan ko na. Dumating si Mam Chat, tinanung ko kung anong name nyang flower na yan ata ang sabi niya ay Zinnia. Dati ko na naririnig yung zinnia na flower pero ngayon ko lang nakita yung pinaka-flower niya. Narinig ko yung pangalan niya noong nagkaroon kami ng camping sa Nagwaling Elementary School. Pinaghiwalay-hiwalay yung magkakasama sa bawat school. At nagkaroon ng group na may mga members mula sa iba't ibang school. At ang kailangan na pangalan ng bawat group ay name ng bulaklak. At narinig ko sa grupo nila Glorie (co-gs ko at classmate ko) na "zinnia" ang pangalan ng grupo nila. At doon ko nga nalaman na may zinnia pala na bulaklak. Pangalan palang ang alam ko noon at ngayon lang ako nakakita ng itsura ng zinnia. At namangha talaga ako kasi maganda sila. May iisa silang halaman, pagkatapos ay may iba't ibang mga kulay at laki ng zinnia. Sa ngayon, nagreresearch pa ako about sa zinnia para may iba pa kong information about sa kanya. At manghihingi na din ako ng bulaklak na yan para maitanim sa bahay namin :-)
Bougainvillea
Hey guys! Yang flower na nga pala na yan bougainvillea. Ang hirap ng spelling ng name nya nuh? Pero madali naman tandaan. Medyo violet pink yang bougainvillea sa picture. Meron din na bougainvillea na medyo orange. Pero hindi ko na siya nakuhanan, next time na lang. Itong halaman na ito o bulaklak na ito, kapag namunga siya ay napakarami kaya maganda siyang tignan. Yung mga dahon niya ay dark green. Yung mga stem din niya ay may mga tinik katulad ng euphorbia. Yung halaman na ito ay lumalaki lang ng 10 hanggang 12 ft tall. Malaking halaman itong bougainvillea na ito. Marami kaming ganyan sa farm namin. Kulay orange at pink ang kulay niya. Mas matangkad pa sa akin yung halaman ng bougainvillea dun sa farm namin. Pero hindi iyon ang kinuhanan ko, yang bulaklak na yan kinuhanan ko sa school namin, sa may gilid ng math park. So, sana nagustuhan niyo ulit! Thanks :)
Sunday, January 25, 2015
Yellow Flower
Thursday, January 22, 2015
Little Flower in the Garden
Hi guys! Kaya ko siya nilagyan ng title na "Little Flower in the Garden" kasi nung nakita ko siya sa garden ng tita ko ay nag-iisa lang siya at siya ang pinakamaliit na bulaklak na nakita ko doon. Tinanung ko si tita kung anong tawag sa flower na yan pero hindi niya na daw matandaan. At kaya daw yan nag-iisa na lang kasi pinatay niya na daw yung kasama. Kawawa naman siya nuh? Wala ng kasama. Haha. Anyway, kahit nag-iisa lang siya doon sa part ng garden ng tita ko eh, talagang mapapansin mo siya kahit maliit siya. Kasi napakaganda niya talagang bulaklak kahit maliit lang siya. At meron lang siyang pitong malilit na petals. Yung 2 by pairs sila tapos yunng 3 ay hiwalay. Magkakaaaway ata sila eh. Hahaha. Joke :). So, sana nagustuhan niyo yung little flower ko kasi ako ang cute niya para sakin :)
The Octopus Flower
At kung mapapansin niyo din, na medyo madilim yung background niya. Kasi nakatago yang aster na yan. Hinawi ko lang yung mga dahon niya para makuhanan ko siya. Lonely nga siya doon eh, kasi siya lang yung aster na nakita kong nagtatago sa mga dahon niya sa garden ng tita ko. Mababa lang din ang pinaka-halaman ng aster. Hindi siya lumalaki ng as in malaki talaga, maliit lang talaga siya. Ang mga dahon niya din ay mga payat katulad ng mga petals ng bulaklak niya.
Orchids
Hi guys! Ang next ko namang pinost ay etong iba't ibang Orchids. Maraming iba't ibang orchids ang matatagpuan sa Pilipinas, pati na rin sa buong mundo maliban na lang sa Antartica. Ang orchids ay isang pamilya ng halaman na kapag namulaklak ay sobrang dami ng bulaklak. Kapag nakita mo ang orchids kapag namulaklak, talagang magagandahan ka dahil kakaiba ang kanilang ganda. Lalo na kapag makikita mo sa iisang lugar ang iba't ibang uri ng orchids ay mapapa-wow ka talaga. So, iyang mga example ko nang orchids ay tanim ng tita ko. Marami siyang tanim na ganyan sa kanilang bakuran. At makikita mo talaga kung gaano kadami ang mga bulaklak nito. Sa unang pagkakita ko sa kanila ay sobrang nagandahan talaga ako dahil nga sa iba't iba nilang kulay. Meron pa sana dun isang klase ng orchids na kulay yellow, pero gabi na naman ako nakapagpicture kaya hindi ko na siya kinuhanan. Madilim na kasi nun eh, light pa naman kulay niya. At baka din kasi hindi na siya makita. So, sana nagustuhan niyo yung mga picture ko ng mga orchids.
Bee's Friend
Wednesday, January 21, 2015
Be careful with this FLOWER
Hello! Para bang nakakatakot yung title ng post ko ngayon? Hehe. Kaya ganyan ang title niya dahil sa kanyang pinaka-halaman. Marami kasi itong tinik, pero hindi basta tinik lang kundi malalaking tinik. This is Euphorbia. Masakit kapag natusok ka nito. Marami din siyang iba't ibang kulay like pink, red, at parang dirty white. Kung titigan mo siya, parang 2 petals na malalaki lang yung flower. At minsan naman may nakikita kang buto sa pinakagitna nito, hindi ko alam kung buto niya yun or iba. At kapag pinitas mo siya sa pinaka katawan niya, may lalabas na sap, malagkit ito na kulay puti. Payat yung mga dahon nito. At kapag pinitas mo din ang dahon niya ay mayroon ding sap na lalabas. Ang bunga ng bulaklak na ito ay nasa pinakatuktok ng halaman na ito. Medyo matangkad din ang halaman nito. Anyway, sorry kung medyo madilim yung photo kasi mga 5:30 ko na siya kinuhanan. Ipapakita ko na lang yung iba niyang kulay sa susunod kong post.
Heaven's Flower
Monday, January 19, 2015
The Valentine's Flower
Monday, January 12, 2015
Santan
Sunday, January 11, 2015
Sunflower's Sister
Thursday, January 8, 2015
Me as a Photographer
Good Morning to all! Ako nga pala si Jaimelyn Mesa. Nasa highschool na ako at ako ay isang SPA student. Media arts aking specialization kung saan nag-aaral ako ngayon ng photography. Marami na akong alam na techniques at mga iba-ibang shot sa pagkuha ng mga picture. Actually, hindi lang about sa photography ang pinag-aaralan ko, nag-aaral din ako kung paano gumawa ng movie. Pero kulang pa ako sa karanasan sa paggagawa ng movie kaya photography muna ako. Ginawa ko itong blog ko para i-share sa inyo ang mga nakukuhanan ko. Ang napili kong subject for my blog ay iba't ibang flowers na matatagpuan lang sa town namin. Flowers ang napili ko kasi sila yung gusto kong kuhanan, ang gaganda kasi nila kahit maliit or malaking bulaklak. Ang mga kukuhanan kong flowers ay yung makikita lang sa barangay namin or town kasi hindi naman ako masyadong nakakapunta ng ibang lugar. So, sana magustuhan niyo yung mga ipopost kong picture!
Subscribe to:
Posts (Atom)