Monday, February 23, 2015

Yellow Bell


Hello :) Sa wakas nahanap ko na din yang flower na yan. Nahirapan kasi ako sa paghahanap diyan eh. Buti na lang naisipan kong gumala sa tita ko, kaya iyon nakita ko siya doon sa may daan. Isa na lang pala at tapos na ako sa blog ko na ito at doon naman kami sa may photo portfolio. Anyway, isa sa pinakamagandang bulakalak

Tuesday, February 17, 2015


Hi :) Sorry kung ngayon lang ulit ako nakapag-post. Naging busy kasi ako nung mga nakaraang linggo. May pinapractice kasi kami na performance. Anyway, yang flower na yan ay kinuhanan ko sa may orion. Sa bahay ng amo namin sa orion, pumunta kasi kami doon ni papa. Hapon na yun, sinundo ako ni papa. Ang ginawa talaga namin dun ay maghatid lang ng itlog. Ilalagay kasi yun sa may incubator. Dati na sa amin yung incubator ngayon dinala na sa orion kaya hinahatid pa namin yung mga yun

Thursday, February 5, 2015

Yellow Bell"s Junior


Hello Good Morning. Eto na yung last post ko dito kasi ngayon na yung deadline ng pagpapakita namin ng blog namin. Pero kahit ganoon, kapag may time ako ipagpapatuloy ko ito. So, iyan flower na yan napakaliit lang. Akala ko nga hindi na lilinaw yan kapag ginamitan ko ng camera ko. Napakaaga pa nun, nung kinuhanan ko siya. Sa school ko lang yan kinuhanan, sa may gilid ng math park namin. Dapat talaga ang kukuhanan ko ay yung nasa sa science park, pero bawal daw pumasok dun. Pagkatapos napansin ni Ched (kasabay ko pumasok) yang bulaklak na yan sa gilid ng math park. Pagkatapos sabi ko hindi ko makukuhanana yan, dahil baka hindi kayanin ng camera ko. Marami nga akong shot dyan sa bulaklak na yan. Dahil gusto ko na malinaw talaga yung ipopost ko sa blog ko. At matapos ang maraming picture, iyan ang napili ko. Iyan kasi yung may pinakamalinaw. Nangawit nga ako dyan dahil ang tagal kong nakaluhod habang kinukuhanan siya eh. Pero okay lang yun para maganda ang maipost ko dito. Hehe. Anyway, yang flower na yan ay parang junior ng yellow bell kasi parang bell din siya. Pero ang pinagkaiba lang nila malaki ang liit nito kaysa sa normal na yellow bell. So, sana nagustuhan niyo ang last na ipopost ko. Thank you!!!!

Monday, February 2, 2015

1.., 2.., 3.., 4.., 5 big petals of a little flower


Hi everyone ito na yung last na ipopPst ngayong araw. Bukas naman ulit yung iba pa =). Sana magustuhan niyo ito !!!

So, nakikita niyo naman sa picture ng bulaklak na bagong kadidilig lang niya. Kinuhanan ko siya sa may harap ng Filipino Department ng school ng namin. Maliit na bulaklak lang siya. Pagkatapos ay payat yung mga sanga ng halaman niya ( hindi ko alam kung ano tawag dun sa pinakagalamay ng halaman eh, hehe ).Kung makikita niyo sa may extra na namang insekto sa gitna ng bulaklak. At i'm sure na langgam na talaga yung nasa gitna nung bulaklak. Patay na nga yata yung langgam eh. Kasi tignan niyo may tubig sa gitna ng bulaklak kaya talagang mamamatay siya. Haha. Hindi naman ako ganoon kasama nuh?. Nagsasabi lang ako ng totoo. Actually, kani-kanina ko lang siya kinuhanan. Lumabas kasi kami ng bestfriend ko na si Alyssa nanguha din kasi siya sa may canteen na malapit sa Filipino Department namin. Kaya iyon sumabay na din ako para makuhanan yang halaman na yan. Kaninang recess yan dinilig, nakita ko kanina eh. Nalanta nga yung ibang bulaklak ng halaman niya eh. Di ata kasi kinaya yung pagtama ng tubig sa kanila. Haha. At siya lang natirang matibay. Actually, matagal ko nang nakikita yang flower na yan kapag pupunta ako ng canteen. Pero ngayon ko lang naisipan na kuhanan siya. Hindi ko alam kung bakit ganoon eh! Hehe. Sorry! Para sa akin, yang flower na yan ay pasok sa TOP 3 na pinakamagandang bulaklak at pinakamagandang kuha ko. Haha. Kasi yung iba medyo malabo at hindi masyadong malinaw. Pero don't worry nag-promise ako na papalitan ko yung mga panget kong kuha kapag nakuha ko na yung bago kong camera. So, sana nagustuhan niyo yung mga  pinost ko ngayong araw na ito. Tomorrow may mga bago ulit akong ipopost na bulaklak para makikita niyo. Thanks :-)

Flower Under the Sun


Good Morning :) Okay malapit nang matapos yung pagpopost ko dito sa blog na ito. Kasi hanggang 30 posts lang ang sinabi sa amin. Itong blog ko kasi ay ginawa ko para sa specialization ko na Media Arts. Pero may isa pa akong blog na patuloy pa rin akong magpopost :)

Anyway, yang bulaklak na nasa picture ay kinuhanan ko kaninangnakitang, nung pauwi na akos sa gilid ng math park. Halos yung iba kong picture ng bulaklak ay kuha sa math park ng school namin. Marami kasi doon na nakatanim na bulaklak. At magaganda pa ang mga nakatanim dito kaya naeen-ganyo akong kuhanan sila.! Yang bulaklak na yan ay kahapon ko lang nakita, nung pauwi na ako. Actually, nakikita ko yang halaman na yan sa gilid ng office namin. Pero nahihiya akong kuhanan siya doon, dahil maraming tao na dumaraan doon. Alam niyo naman ako may pagkamahiyaan. Pero nung nakita ko siya sa gilid ng math center, doon ko na lang siya kuhanan para hindi na ako mahiya doon sa office. Medyo silaw yung right side niya, dahil nabibilad siya sa araw nung nakita ko. Tinakpan ko na lang para hindi siya masyadong maliwanag kapag kinuhanan ko. Pero hindi ko nagawa dahil may silaw pa rin yung right side niya. Pero ayos lang yun atleast hindi siya buong maliwanag. Kung titignan niyo ulit siya, at izozoom niyo , may makikita kayong insekto. Hindi ko lang malaman kung langgan ba siya o maliit na bubuyog. Pero parang langgam talaga siya. Ang kulay ng flower na yan ay violet, kita niyo naman di ba? Hehehe :) Hindi ko alam yung pangalan ng bulaklak na yan. Sorry, kung kadalasan hindi ko kilala yung mga bulaklak na pinopost ko. Hindi po kasi ako masyadong familiar sa mga bulaklak na yan. So, sana nagustuhan niyo po yung pinost ko ngayon ! :)

Sunday, February 1, 2015

My Super Little Flower


Hi guys! This is my second post for this day! Sa ngayon, hindi ko pa alam yung pangalan ng bulaklak na yan. Pero don't worry, aalamin ko mamaya. Hehe, sorry! Anyway, yung pinaka-halaman ng bulaklak na yan ay matinik. Actually, yung mga dahon niyang maliliit yung may mga tinik. Kapag natusok ka niyan ay sobrang masakit. Parang cactus yung dahon ng bulaklak na yan. Nung natinik ako niyan, nasaktan talaga ako. Kaya talagang nag-ingat ako nung kinuhanan ko siya kasi baka matinik na naman ako. Kinuhanan ko siya pagkatapos ko kuhanan yung bulaklak ng talong. Tinitignan na nga ako nung mga tambay sa amin. Nagtataka siguro kung ano ginagawa ko. Haha. Hindi kasi nila alam na kinukuhana ko yan ng picture. Pasensya na nga pala yung picture dahil medyo malabo. Nahihirapan talaga kasi ako makakuha ng picture sa camera ko. Papalitan ko na lang siya kapag dumating na yung bago kong camera. Sa ngayon, kung maaari pagtiyagaan niyo muna. Anyway, back sa bulaklak, Kung makikita niyo mayroon lang siyang limang petals at mayroong kulay yellow sa gitna niya. Medyo mahirap siyang pitasin sa pinakahalaman niya dahil nga matinik. Madaling matanggal yung petals ng bulaklak na yan. Kaya kung kukuhanin mo siya. Ingatan mo kasi natatanggal agad siya. Iyan muna sa ngayon. Tomorrow, magpapakita ulit ako ng panibagong mga picture ng bulaklak =)

Eggplant"s Flower
















Good Morning! Yang flower na yan ay bulaklak ng eggplant. Kinuhanan ko siya sa likod ng bahay namin kahapon. Maliit lang siyang bulaklak na kulay violet, kakulay ng eggplant o talong sa tagalog. Ang halaman niya ay hindi naman kalakihan. Marami kaming tanim na talong sa likod ng bahay namin. Nakita ko lang yung bulaklak niya nung nanguha ako ng sako sa likod ng bahay namin. Mangangahoy kasi kami kaya pinakuha ako ng sako. Nung nakita ko na siya, naisip ko na i-post din siya sa blog ko. Kaya pagkatapos namin mangahoy ay bumalik ako sa likod ng bahay namin at kinuhanan na siya. Nahirapan nga akong kuhanan siya kasi magkakadikit yung mga tanim namin na ganyan. Sumiksik na lang ako para makuhanan ko siya. Marami rin akong kinuhanan na bulaklak niya sa iba't ibang halaman. Anyway, dahil sa may tanim nga kaming ganyan. Kapag  wala kaming ulam ay iyan na lang ang niluluto ni mama. Masarap naman ang tanim naming talong. Kung gusto niyong matikman ay pumunta na lang kayo sa amin. Hehehe. Hindi lang naman iyan ang tanim namin. Mayroon din kaiming kalabasa. May bulaklak din ang kalabasa. At kinakain din ito. Pero wala pa kasing bulaklak yung kalabasa namin kaya sa susunod ko na lang ipapakita. So, iyan muna sa ngayon. Sana nagustuhan niyo!